TANGING ISANG PUSONG BAGO (Saved By Grace)
1. Tanging isang pusong bago,
Sa aking Dios ang hiling ko,
Upang itong pagkatao’y
Malapit lamang kay Cristo.
Koro:
Pusong bago sa kalinga;
Pusong bagong nakahanda,
Sa gawain Mong dakila.
2. Pusong bago kung matanggap,
Kalul’wa ko ay lalasap
Ng saganang awa’t habag
Ng Dios na batis ng lingap.
3. Kung puso ko’y panahanan
NI Cristo na lubhang banal,
Ang buhay ko ay matibay
Sa suligi ng kaaway.
Titik: MBanting Musika:
GCStebbins
No comments:
Post a Comment