Tuesday, October 6, 2020

ANG DIOS AY PURIHIN AT DAKILAIN (To God Be the Glory)

ANG DIOS AY PURIHIN AT DAKILAIN

(To God Be the Glory)

 

1.              Ang Dios ay purihin at dakilain,

Pag ibig sa ati’y di nagmamaliw,

Tayo’y tinubos dahil sa paggiliw,

Upang ang l’walhati ay ating kamtin

 

Koro:

Purihin, purihin, ang Dios ay purihin,

Purihin, purihin, ng buong pag-giliw,

Ang Dios ay lapitan at l’walhatiin, 

Laging sambahi’t papurihan natin.

 

2.               Dahil sa dugong nagos sa Kalbaryo,

Patawad ng Dios nakamtan ng tao.

Huwag ng magpaliban, lapit kay Cristo

L’walhati ng langit ay matatamo

 

3.              Tunay na biyaya’y ating natanggap,

Kay Cristo na ating Tagapagligtas;

Lalong pagpapala ang namamalas,

Sa langit na ating pinapangarap.

 

Titik:  NBAbesamis                                                                Musika:  WHDoane

(From the IEMELIF Hymnbook)

No comments:

Post a Comment

MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

  MAPAYAPANG KALULUWA  (It Is Well)   1.                     Mapayapa ang aking paglalakbay Batbat man ng kalungkutan, Kahit na anon...