Monday, October 5, 2020

HALINA AT LUMAPIT (His Eye Is On the Sparrow)

 

HALINA AT LUMAPIT

(His Eye Is On the Sparrow)

 

1.   Halina at lumapit sa Dios ng pag-ibig,

At sa Kanya’y isulit ang lahat ng hapis,

Mapapawi ang dusa, dagling giginhawa;

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo may kalinga N’ya.

 

Koro:

Sa puso’y may ligaya, tayo’y malaya na. 

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya.

 

2.   Kung kalul’way may sala, laging nababakla,

Waring walang pag-asa, lumapit sa Kanya,

May pagpapala t’wina dahil sa pagsinta;

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;

 

3.   Puso ay bibihisan ng t’wa’t kagalakan,

At kakamtin ang buhay na sa ati’y laan,

Siya’y ating kasama saan man humangga.

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;

Kung kalinga N’ya ang maya, tayo ma’y kalinga N’ya;

 

                                                                                Musika:  CHGabriel


(From the IEMELIF Hymnbook)

No comments:

Post a Comment

MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

  MAPAYAPANG KALULUWA  (It Is Well)   1.                     Mapayapa ang aking paglalakbay Batbat man ng kalungkutan, Kahit na anon...