TAYO NA AT ATIN NA NGAYONG TUPDIN (Walking in the Blessed Light)
1. Tayo na at atin na ngayong tupdin,
Aral na ginto, dapat na sundin,
Si Jesus sa atin ang may habilin
Na mag-ibigang tambing
Koro:
Ating hanapin (Ating paghanapin, ating paghanapin)
Ang mga dukhang lagi sa lagim,
Ang Dios sa atin, (Ang Dios ang sa atin, and Dios ang sa atin)
Ang tatanglaw sa dilim.
2. Kung sakali mang tukso ang hahadlang
Sa mga gawa ng pagmamahal,
Si Jesus ang t’wina’y ating kaakbay,
Laging magsasanggalang.
3. Pagtulungan nating maibalita,
Pagsintang wagas ng Manglilikha,
Ang bigat ng krus ay pinasang kusa,
Nang maligtas ang madla.
No comments:
Post a Comment