ANG BUHAY KO’Y HANDA NA (Take My Life and Let It Be)
1. Ang buhay ko’y handa na
O Dios na italaga;
Bisig kung kumilos pa
Ay dahil sa pagsinta,
Ay dahil sa pagsinta.
2. Ang paa ko’y kunin Mo,
Nang magamit sa Iyo;
Gawin Mong ang tinig ko,
Awitin ay si Cristo,
Awitin ay si Cristo.
3. Kunin ang ginto’t pilak,
Di ko nais mag-ingat,
Araw ko’t mga oras,
Sa pagpuri’y malagak
Sa pagpuri’y malagak.
4. Budhi ko’y hawakan Mo,
Nang di na angkinin ko;
Puso ko’y sa nasa Mo,
Gawing luklukang trono,
Gawing luklukang trono.
Titik: VDDiolanda Musika: HACMalan
No comments:
Post a Comment