Tuesday, December 22, 2020

MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

 MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

 

1.                     Mapayapa ang aking paglalakbay

Batbat man ng kalungkutan,

Kahit na anong sapitin ng buhay

Sa puso may kapayapaan.

 

Koro:

Payapang kalul’wa

Payapa ang aking Kalul’wa.

(Payapang Kalul’wa.)

2.                     Kahit mabigat ang mga pagsubok 

Tapat ang pangako ng Dios;

Batid ang buhay kong kalunos-lunos,

S’ya na sa akin ay tumubos.

 

3.                     Kasalanan ko, kung aking isipin,

Lahat ay Kanyang inangkin;

Napako sa krus, inalis sa akin;

Purihin, ang Dios ay purihin.

 

4.                     Madaliin Mo po O Dios ang araw,

Araw ng muling pagdatal.

Sa pagtawag Mo, lahat ng kinapal,

Tatayo sa iyong harapan.

 

Titik:  AGCabildo                                                    Musika:  PPBliss                     

Monday, December 21, 2020

KALOOBAN MO ANG S’YANG SUNDIN (Have Thine Own Way)

 

KALOOBAN MO ANG S’YANG SUNDIN

(Have Thine Own Way)

 

1.                     Kalooban Mo ang s’yang sundin,

Putik Ako na huhugisin,

Ayon sa ibig Mo ay gawin,

Handa Ako na ‘yong baguhin

 

2.                     Kalooban Mo nawa’y gawin,

Ako ngayon ay ‘yong subukin,

Puso’y hugasa’t paputiin,

kalooban Mo’y tatanggapin.

 

3.                     Kalooban Mo S’ya Mong sundin,

Ako’y tulungan ang dalangin,

Kapangyariha’y iyong gawin,

Hipuin mo at pagalingin.

 

4.                     Sundin Mo ang ‘yong kalooban,

Ako’y linisin ng lubusan,

Hanggang si Cristo’y maranasang,

Tanging sa Aki’y tumatahan.

 

Musika:  GCStebbins

Sunday, December 20, 2020

ANG BUHAY KO’Y HANDA NA (Take My Life and Let It Be)

 

ANG BUHAY KO’Y HANDA NA (Take My Life and Let It Be)

 

1.                     Ang buhay ko’y handa na

O Dios na italaga;

Bisig kung kumilos pa

Ay dahil sa pagsinta,

Ay dahil sa pagsinta.

 

2.                     Ang paa ko’y kunin Mo,

Nang magamit sa Iyo;

Gawin Mong ang tinig ko,

Awitin ay si Cristo,

Awitin ay si Cristo.

                

3.                     Kunin ang ginto’t pilak,

Di ko nais mag-ingat,

Araw ko’t mga oras, 

Sa pagpuri’y malagak

Sa pagpuri’y malagak.

                 

4.                     Budhi ko’y hawakan Mo,

Nang di na angkinin ko;

Puso ko’y sa nasa Mo,

Gawing luklukang trono,

Gawing luklukang trono.

 

Titik:  VDDiolanda                                                   Musika:  HACMalan

Saturday, December 19, 2020

TANGING ISANG PUSONG BAGO (Saved By Grace)

 TANGING ISANG PUSONG BAGO (Saved By Grace)

 

1.                     Tanging isang  pusong bago,

Sa aking Dios ang hiling ko,

Upang itong pagkatao’y

Malapit lamang kay Cristo.

 

                        Koro:

                         Pusong bago sa paggawa,

Pusong bago sa kalinga;

Pusong bagong nakahanda,

Sa gawain Mong dakila.

 

2.                     Pusong bago kung matanggap,

Kalul’wa ko ay lalasap

Ng saganang awa’t habag

Ng Dios na batis ng lingap.

 


 
3.                     Kung puso ko’y panahanan

NI Cristo na lubhang banal,

Ang buhay ko ay matibay 

Sa suligi ng kaaway.

 

Titik:  MBanting                                                       Musika: GCStebbins

Friday, December 18, 2020

TAYO NA AT ATIN NA NGAYONG TUPDIN (Walking in the Blessed Light)

 

TAYO NA AT ATIN NA NGAYONG TUPDIN  (Walking in the Blessed Light)

1.         Tayo na at atin na ngayong tupdin,

Aral na ginto, dapat na sundin,

Si Jesus sa atin ang may habilin

Na mag-ibigang tambing

 

Koro:

Ating hanapin (Ating paghanapin, ating paghanapin)

Ang mga dukhang lagi sa lagim,

Ang Dios sa atin, (Ang Dios ang sa atin, and Dios ang sa atin)

Ang tatanglaw sa dilim.

 

2.         Kung sakali mang tukso ang hahadlang

Sa mga gawa ng pagmamahal,

Si Jesus ang t’wina’y ating kaakbay,

Laging magsasanggalang.

 

3.         Pagtulungan nating maibalita,

Pagsintang wagas ng Manglilikha,

Ang bigat ng krus ay pinasang kusa,

Nang maligtas ang madla.

MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

  MAPAYAPANG KALULUWA  (It Is Well)   1.                     Mapayapa ang aking paglalakbay Batbat man ng kalungkutan, Kahit na anon...