Sunday, October 18, 2020

SA AKING KASAMAAN, NALAYO SA PAMPANG (Love Lifted Me)

 

SA AKING KASAMAAN, NALAYO SA PAMPANG

(Love Lifted Me)

 

1.      Sa aking kasamaan, nalayo sa pampang,

Halos di makalutang sa sala kong taglay

Ngunit ang Panginoon sa aking pagtaghoy,

S’yang sa aki’y nagahon at nagampon.

         

        Koro:

         Iniligtas ng pag-ibig,

Nang walang sumagip,tinangkilik ;

Iniligtas ng pag-ibig,

Nang walang sumagip,tinangkilik ;

 

2.      Puso ko’y ihahandog, ako’y maglilingkod

Buhay, ipasasakop hanggang sa malagot,

Sa wagas N’yang pag-ibig, kulul’way aawit,

Sa Kanya ay kakapit hanggang langit.

 

3.      Kalul’wang nanganganib, Kay Cristo’y sumandig,

Nang kayo ay masagip sa along mabangis;

S’ya’y handa sa pagtulong, S’ya ang Panginoon,

Kaligtasan mo ngayon Kanyang layon.

 

Titik:  Federacion                                                  Musika:  HESmith

DAKILANG KATAPATAN (Arnel De Pano)

 DAKILANG KATAPATAN

Sadyang kay buti ng ating Panginoon
Magtatapat sa habang panahon
Maging sa kabila ng aking pagkukulang
Biyaya nya'y patuloy na laan
 
Katulad ng pagsinag ng gintong araw
Patuoy syang nagbibigay tanglaw
Kaya sa puso ko't damdamin
Katapatan nya'y aking pupurihin
 
(chorus)
Dakila ka O Diyos
Tapat ka ngang tunay
magmula pa sa ugat ng aming lahi
Mundo'y magunaw man maaasahan kang lagi
Maging hangang wakas nitong buhay
 
Kaya o Diyos ika'y aking pupurihin
Sa buong mundo'y aking aawitin
Dakila ang iyong katapatan
Pag-ibig mo'y walang hangan
 
(repeat Chorus)
 
Dakila ka O Diyos
Sa habang panahon
Katapatan mo'y matibay na sandigan
Sa bawat pighati tagumpa'y man ay naroon
daluyan man ng pag asa kung kailanga'y hinahon
Pagibig mo'y alay sa amin noon hangang ngayon
Dakila ka o Diyos

Saturday, October 17, 2020

NAIS MO BANG MAIBSAN NG PASAN? (There’s Power in the Blood)

 

NAIS MO BANG MAIBSAN NG PASAN?

(There’s Power in the Blood)

 

1.                  Nais mo bang maibsan ng pasan?

Makapangyarihan ang dugo.

Nais mong sa sala’y magtagumpay?

Dugo’y may kapangyarihan.

 

Koro:

Ang dugo’y may kapangyarihan

Ang dugo N’yang mahal

Ang dugo’y may kapangyarihan

Ang dugo ni Cristong banal.

 

2.                Nais mo bang puso’y dumalisay?

Makapangyarihan ang dugo.

Ang batik ng sala’y mahugasan?

Dugo’y may kapangyarihan.

 

3.                 Nais mo bang maglingkod sa Hari?

Makapangyarihan ang dugo

Mabuhay kang nagpupuring lagi,

Dugo’y may lakas na tangi.

 

Titik:  VDDiolanda                                                 Musika:  LEJones

KAILAN PA (Papuri artists)

 KAILAN PA

Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas
Sa Kanya na nagbigay

sa’yo ng buhay na wagas?

Ang Pangalan Niyang banal
Kailan itatanyag?
Kung wala nang pagkakataon
at huli na ang lahat

At kung ang araw mo’y lumipas na
Makuha mo pa kayang S’ya ay paglingkuran
Kailan pa kaya maglilingkod sa Dios
Kung hindi ngayon kailan pa

Kailan pa ibibigay ang buhay mo’t lakas
Sa Kanya na nagbigay
sa’yo nang buhay na wagas

Ang Pangalan Niyang banal
Kailan itatanyag
Kung wala nang pagkakataon
at huli na ang lahat

At kung ang araw mo’y lumipas na
Makuha mo pa kayang S’ya ay paglingkuran
Kailan pa kaya maglilingkod sa Dios
Kung hindi ngayon kailan pa

At kung ang araw mo’y lumipas na
Makuha mo pa kayang S’ya ay paglingkuran
Kailan pa kaya maglilingkod sa Dios

Kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon
Kung hindi ngayon
Kailan pa.

Friday, October 16, 2020

MAL’WALHATING PAKIKIPAGNIIG (When I’m With Him)

 

MAL’WALHATING PAKIKIPAGNIIG

(When I’m With Him)

 

1.                Mal’walhating pakikipagniig, 

Kay Kristo na umiibig;

Saganang biyaya ay makakamit,

Tuwa’y walang kahulilip

 

Koro:

Kung si Hesus ay kapiling,

Lugod na pangmundo’y nagsisilim,

Sa puso ko’y ligayang walang maliw,

Kung si Hesus ay kapiling.

 

2.                Tayo’y di maaaring mabuhay,

Na kay Hesus ay hiwalay;

Hinahanap ang pusong may lumbay,

Gaya ng nagdaang araw.

 

3.                Ang nasa ko ay maranasan mo,

Ang buhay na nalasap ko,

Ngayo’y hinihintay ka ni Cristo,

Upang biyaya’y matamo.

 

Titik:  VDDiolanda                                                 Musika:  AHackley

TAOS PUSONG PASASALAMAT (Papuri Singers)

TAOS PUSONG PASASALAMAT

O Diyos salamat po sa kabutihan mo.
Ang buhay kong ito'y, iyong binago.

Ang dati kong buhay puno ng dusa.
Dahil sa iyo o Diyos, nabuhay ang pag- asa.

Di ko maihayag taos pusong pasalamat sa mga biyaya mong
laging natatanggap.

O Diyos salamat po sa pag- iingat mo.
At sa tagumpay na aking natamo.
Sa lahat ng araw, pupurihin ko'y ikaw.
Salamat o Diyos sa iyong kabutihan.

Di ko maihayag taos pusong pasalamat sa mga biyaya mong
laging natatanggap.

O Diyos salamat po sa pag- iingat mo
At sa tagumpay na aking natamo.
Sa lahat ng araw, pupurihin ko'y ikaw.
Salamat o Diyos sa 'yong kabutihan
Salamat o Diyos sa 'yong kabutihan.

Thursday, October 15, 2020

HABANG LUMALAWIG, LALONG MATIMYAS (The Longer I Serve Him)

 

HABANG LUMALAWIG, LALONG MATIMYAS

(The Longer I Serve Him)

 

1.         Nang aking ipagkaloob ang puso kay Jesus

Buhay ko’y Kanyang hinubog,

Sadyang pinagyaman sa paglilingkod.

 

Koro:

Habang lumalawig, lalong matimyas

Ang pamamahal N’ya’y walang katumbas. 

Ang paglilingkod sa Kanya ay tapat

Habang lumalawig, lalong matimyas

 

2.         Ang lahat ng kailangan ay ibinibigay

Ang daa’y naliwanagan,

At pinagpapala sa bawa’t araw

 

Titik:  AGCabildo                                                   Musika:  WJGaither

DAKILANG PAGMAMAHAL (Papuri Singers)

DAKILANG PAGMAMAHAL

Sa pagmamahal ng Diyos
Sino ang makahihigit
mayroon ka bang nababatid

Bugtong na anak hindi Niya ipinagkait
Nanaog sa mundo, nagdusa't
dumanas ng libong sakit

Koro:
oohhh... purihin Ka
sa dakilang pagmamahal Mo
kahit bayaran Ka
hindi sapat ito upang ibalik
ang dugong itinigis ng Iyong Anak
para sa akin

Dakilang Diyos kay buti Mo
sa isang tulad ko masuwayin sa nais Mo
di man pansin dakilang pagmamahal Mo
tinangap parin ako
pinatawad sa mga kasalanan ko

Ulitin Koro

Salamat po Panginoon
Dahil sa pagibig Mo
buhay ko ay nagbago

Tanging Ikaw lamang papupurihan ko
purihan ang ngalan Mo
o Ama dakila ang pagmamahal Mo

Ulitin Koro

Wednesday, October 14, 2020

HABANG NASA BULAKLAK PA (In the Garden)

 

HABANG NASA BULAKLAK PA

(In the Garden)

 

1.                   Habang nasa bulaklak pa

Ang mga hamog sa umaga,

Tinutungo ko, harding mag-isa,

Nang kay Jesus masama.


Koro:

Si Jesus, kausap ko’t kaakbay

At ako’y inangking tunay,

Ang galak namin sa halamanan,

Ay walang nakaalam.

 

2.                   Tinig N’ya’y aking narinig,

Na puspos ng diwang panlangit,

Idinudulot sa aking dibdib,

Ligayang di malirip.

 

3.                   Lalagi sa halamanan

Kung kapiling si Cristo lamang,

At ako’y Kanyang bibigyang buhay

Sa langit na tahanan.

 

Titik:  ObMBValdez                                                                Musika:  CAMiles


(From the IEMELIF handbook)

ISANG AWIT, ISANG PANGINOON by Ronald Rivera (Papuri singers)

Isang awit, Isang tinig sa iisang Panginoon

Isang awit, Isang tinig sa iisang Panginoon
Isang bisig, Isang lipi sa habang panahon

Kay Hesus lahat tayo'y mag-uugat
Kahit saan pa mang sanga
Kahit saan mang lupa
Kay Hesus mapag-iisa tayong lahat

Kahit pa man iba't-ibang dalangin
Dinirinig ng iisang Diyos natin
Kahit pa man sa libong pangitain
Natatangi ang pinagpipitagan natin

Kahit pa man sa sari-saring lahi
Pinapupurihan lang ay iisang langit
Kahit pa man sa bilang ng salita
Sa iisang Diyos sumasamba

Halina sa banal Nyang tahanan
May iisang dalangin
Pagsama sa Diyos natin
May iisang awitin
Si Kristo'y purihin

PAPURING AWIT by Pambatang Papuri

 

Papuring Awit

by Pambatang Papuri
Album: Munting Pamana


I.
O dakila ang pag-ibig
Na ipinadama sa atin
Kung kaya't Siya'y dapat na purihin

At sa krus ipinakita
Ang dakilang pagtubos Niya
Ang lahat ibig Niyang makasama

KORO:
Awitin natin papuring awit
Pagkat Siya'y nagmamahal sa ‘ting lahat
Siya ay awitan, papuring awit
Pagkat Siya'y dakila at tapat

II.
Buhay ko'y lumigaya
Magmula nang Siya'y makasama
Kung kaya't aawitan Siya tuwina

Suliranin lulunasan
Babaguhin ka nang lubusan
Kung Siya ay iyong pananaligan
(Ulitin ang KORO 2x)

Pagkat Siya‘y dakila at tapat
Pagkat Siya‘y dakila at tapat

Tuesday, October 13, 2020

MAGSILAPIT ANG LAHAT (When the Roll Is Called Up Yonder)

 

MAGSILAPIT ANG LAHAT

(When the Roll Is Called Up Yonder)

 

1.   Magsilapit ang lahat at nang inyong mapakinggan

Mabuting balita ng kaligtasan,

Kaya’t magsilapit na at h’wag na kayong magpaliban,

Hanggang puso ay may pintig ng buhay.

 

Koro:

Si Jesus ang ating buhay

Si Jesus ang ating buhay

Si Jesus ang ating buhay

Lapit na at ang puso ay ibigay.

 

2.   Magsilapit ang lahat sa piling ng Panginoon,

At magsimula nang maglingkod ngayon,

Nang upang sa kat’wiran lahat tayo’y magsihantong

Na siyang ating gintong nilalayon.

 

3.   Magsilapit ang lahat at kay Jesus ay dumulog,

Buhay, diwa at lakas ay ihandog,

Ang lahat ng naligaw sa Kanya’y magbalik loob,

At ang kakamti’y l’walhati at lugod.

 

                                                                                Musika:  JMBlack


(From the IEMELIF Hymnbook)

Monday, October 12, 2020

KAY JESUS AY INIAALAY (I Surrender All)

 

KAY JESUS AY INIAALAY

(I Surrender All)

 

1.         Kay Jesus ay iniaalay

Ang lahat ko sa buhay;

Iibigin at tapat

Na susundin araw-araw,

 

Koro:

Iniaalay ko (Iniaalay ko)

Iniaalay ko (Iniaalay ko)

Sa‘yo ang lahat,

O Cristo, Iniaalay ko.

 

2.         O Jesus, isinusuko

Ang sarili sa Iyo;

Ang mundong layaw, iniwan,

Tanggapin ang buhay ko.

 

3.         O Jesus, ang alab ng Diwa’y

Lubos kong nadama;

O, salamat sa kaligtasan;

Purihin ang Ama!

 

Titik:  VGCabildo                                                   Musika:  WSWeeden

Sunday, October 11, 2020

SI JESUS AY MARAHANG TUMATAWAG (Softly and Tenderly)

 

SI JESUS AY MARAHANG TUMATAWAG

(Softly and Tenderly)

 

1.         Si Jesus ay marahang tumatawag

Sa iyo at sa akin;

Sa pinto ng puso mo’y nagmamatyag,

S’ya ay buksang magiliw.

 

Koro:

Lapit, lapit

O taong napapagal;

Ang magiliw na anyaya’y pakinggan,

Siya’y ating lapitan

 

2.         Bakit paghihintayin na may liwag

Si Jesus sa pagtawag;

Bakit alinlangan ka sa paglingap,

Sa anyayang pagtanggap.

 

3.         Pagsintang pangako’y alalalahanin,

Sa iyo at sa akin;

Ang kasalanan ay patatawarin

Tanggapin mo ngayon din.

 

Titik:  VDDiolanda                                                 Musika:  WLThompson


(From the IEMELIF Hymnbook)

Saturday, October 10, 2020

SA KANYANG PANGAKO’Y NANININDIGAN (Standing On the Promises of God)

 

SA KANYANG PANGAKO’Y NANININDIGAN

(Standing On the Promises of God)

 

 

1.         Sa Kanyang pangako’y naninindigan,

Pupurihin ko Siyang buong buhay;

Ang Kanyang l’walhati ang isasaysay,

Sa tipan ng Dios ay tiwasay

 

Koro:

O panatag, matatag ako sa aking Mangliligtas;

O panatag, sa Dios ang buhay ko ay matatag

 

2.         Pinaninindigan kong ito’y tunay;

Pinatawad ang aking kasalanan,

Kay Jesus ako ay may kalayaan,

Sa tipan ng Dios ay tiwasay

 

3.         Aking pinaninindigang matibay;

Tawag ng Banal na Diwang patnubay,

Si Jesus ay aking tanging kanlungan;

Sa tipan ng Dios mananangan.


(From the IEMELIF Hymnbook)

Friday, October 9, 2020

NGAYO’Y SALIKSIKIN NATIN (Jesus Wants Me for a Sunbeam)

 

NGAYO’Y SALIKSIKIN NATIN

(Jesus Wants Me for a Sunbeam)

 

1.      Ngayo’y saliksikin natin, kaibigang giliw,

Ang Kasulatang habilin ni Cristo sa atin.

 

Koro:

Dapat na malaman,  Si Cristo ang kaligtasan;

Siya ang asahan habang tayo’y may buhay.

 

2.      Sikapin mo, kaibigan, h’wag kang magpaliban,

Basahin mo araw-araw,  banal Niyang aral.

 

3.      Kay Cristo ay lumapit na, ikaw na may sala,

May kaloob S’yang ginhawa; ianggap ang anyaya.

 

Titik:  PVAbesamis                                                             Musika:  EOExcell


(From the IEMELIF Hymnbook)

Thursday, October 8, 2020

WALA AKONG KARAPATAN (Just As I am)

 

WALA AKONG KARAPATAN

(Just As I am)

 

1.   Wala akong karapatan, lumapit sa ‘Yong paanan,

Makibahagi sa dulang dahil sa’king kasalanan.

 

2.   Gayon ma’y naglakas loob, sa harapan Mo’y dumulog,

Alang-alang sa pagsakop ni Kristo na Manunubos.

 

3.   Nagsisisi akong tunay sa lahat kong kasalanan,

Ang patawad Mo’y pakamtan sa imbi kong kalagayan.

 

4.   Patawarin ako, Ama, sa lahat kong naging sala

Linisin ng dugo Niya na tinigis sa pagsinta.

 

5.   Kalikasan ko’y baguhin, Dios na lubhang magiliwin;

Diwang Banal ay suguin sa puso ko’y paghariin.

 

                                                                                Musika:  WBBradbury 


(From the IEMELIF Hymnbook)

Tuesday, October 6, 2020

MAGALAK NA NAGPUPUGAY (Joyful, Joyful We Adore thee)

 

MAGALAK NA NAGPUPUGAY

(Joyful, Joyful We Adore thee)

 

1.   Magalak na nagpupugay sa Iyo, O Dios Ama,

Puso naming nagaalay, mal’walhating pagsamba,

Ang dilim ng kasalanan, ulap ng alinlangan,

Ibon at batis ng tubig, sa puri ay kasaliw.

 

2.   Lahat ng Iyong nilikha, lupa, langit, bituwin,

Anghel man ay nag aalay ng puring walang maliw,

Bundok, gubat at tumana at dagat na malalim,

Ibon at batis ng tubig, sa puri ay kasaliw.

 

3.   Sagana’t mapagpatawad, mapagpala kaylan man,

Batis ng aliw ng buhay at ng kapahingahan.

Ang lahat ng may pagibig, sa Iyo silang lahat.

Turuan kaming umibig, sa langit, nang maakyat.

 

4.   Sama-samang inaawit ng tala at daigdig,

Pagibig ng Dios sa atin at natin sa kapatid

Umaawit sa paglakad, maapagwagi sa laban.

Paglakad patungong araw, may awit ng tagumpay.

 

Titik:  VGCabildo                                                   Musika:  Lvan Beethhoven


(From the IEMELIF Hymnbook)

SALAMAT, PANGINOONG DIOS (Thank You Lord)

SALAMAT, PANGINOONG DIOS

(Thank You Lord)

 

Salamat sa kaibiga’t payapang tahanan.

Ang  Dios lalong papurihan; Sa biyayang alay.

 

                  Koro:

Salamat, Panginoong Dios

Salamat sa pagkupkop

Salamat sa ’Yong kaloob

Na walang bayad na pagtubos.

 

Titik:  AGCabildo                                                                   Musika:  SDykes

(From the IEMELIF Hymnbook)

SAMBAHIN ANG HARI (Majesty)

 

SAMBAHIN ANG HARI

(Majesty)

 

Sambahin, Hari ay sambahin

Pagl’walhati, pagpupuri’y ating dalhin

Ang kanyang kahariang angkin

Dumadaloy upang Siya’y l’walhatiin.

Itaas, ipagdiwang ang Cristong Hari, 

Ngalan N’ya ay itanghal at ipagbunyi.

Namatay, nabuhay namuli

At sa langit mal’walhating naghahari.

 

Titik:  AGCabildo                                                                   Musika:  JHayford


(From the IEMELIF Hymnbook)

PURIHING MAY GALAK (The King’s Business)

 PURIHING MAY GALAK

(The King’s Business)

 

1.            Purihinng may galak ang ating Dios Ama,

Dakilaing lubos ang pangalan Niya,

Pagka’t nagbibigay ng ginhawa’y Siya,

Purihin S’yang walang hangga.

 

             Koro:

 .           Purihin ang Pangalan N’ya,

Luwalhatiing buong sigla,

Pasalamatan S’ya ng puso’t kalul’wa

Dahit sa ati’y pag-sinta.

 

2.          Sa pagsintang tapat ng Dios ng pagliyag, 

Kanyang ibinigay bugtong Niyang Anak,

Kaya tayo ngayon ay magpuring wagas,

Nang dahil sa pagliligtas.

 

3.          Halina kay Jesus, sa Kanya’y dumulog,

Ang buhay at lakas ay ating ihandog,

Sa ating pagtanaw ng utang na loob,

Oh purihin natin ang Dios.

 

                                                                                Musika:  FHCassel


(From the IEMELIF Hymnbook)

MAPAYAPANG KALULUWA (It Is Well)

  MAPAYAPANG KALULUWA  (It Is Well)   1.                     Mapayapa ang aking paglalakbay Batbat man ng kalungkutan, Kahit na anon...