WALA AKONG KARAPATAN
(Just As I am)
1. Wala akong karapatan, lumapit sa ‘Yong
paanan,
Makibahagi sa dulang dahil sa’king
kasalanan.
2. Gayon ma’y naglakas loob, sa harapan Mo’y
dumulog,
Alang-alang sa pagsakop ni Kristo na
Manunubos.
3. Nagsisisi akong tunay sa lahat kong
kasalanan,
Ang patawad Mo’y pakamtan sa imbi kong
kalagayan.
4. Patawarin ako, Ama, sa lahat kong naging
sala
Linisin ng dugo Niya na tinigis sa
pagsinta.
5. Kalikasan ko’y baguhin, Dios na lubhang
magiliwin;
Diwang Banal ay suguin sa puso ko’y
paghariin.
Musika: WBBradbury
(From the IEMELIF Hymnbook)
No comments:
Post a Comment