MAGALAK
NA NAGPUPUGAY
(Joyful, Joyful We Adore thee)
1. Magalak na nagpupugay sa Iyo, O Dios Ama,
Puso naming nagaalay, mal’walhating
pagsamba,
Ang dilim ng kasalanan, ulap ng
alinlangan,
Ibon at batis ng tubig, sa puri ay
kasaliw.
2. Lahat ng Iyong nilikha, lupa, langit,
bituwin,
Anghel man ay nag aalay ng puring
walang maliw,
Bundok, gubat at tumana at dagat na
malalim,
Ibon at batis ng tubig, sa puri ay
kasaliw.
3. Sagana’t mapagpatawad, mapagpala kaylan man,
Batis ng aliw ng buhay at ng
kapahingahan.
Ang lahat ng may pagibig, sa Iyo silang
lahat.
Turuan kaming umibig, sa langit, nang
maakyat.
4. Sama-samang inaawit ng tala at daigdig,
Pagibig ng Dios sa atin at natin sa
kapatid
Umaawit sa paglakad, maapagwagi sa
laban.
Paglakad patungong araw, may awit ng
tagumpay.
Titik: VGCabildo Musika: Lvan Beethhoven
(From the IEMELIF Hymnbook)
No comments:
Post a Comment