MAL’WALHATING
PAKIKIPAGNIIG
(When I’m With Him)
1. Mal’walhating
pakikipagniig,
Kay Kristo na umiibig;
Saganang biyaya ay makakamit,
Tuwa’y walang kahulilip
Koro:
Kung si Hesus ay kapiling,
Lugod na pangmundo’y nagsisilim,
Sa puso ko’y ligayang walang maliw,
Kung si Hesus ay kapiling.
2. Tayo’y di maaaring mabuhay,
Na kay Hesus ay hiwalay;
Hinahanap ang pusong may lumbay,
Gaya ng nagdaang araw.
3. Ang nasa ko ay maranasan
mo,
Ang buhay na nalasap ko,
Ngayo’y hinihintay ka ni Cristo,
Upang biyaya’y matamo.
Titik: VDDiolanda Musika: AHackley
No comments:
Post a Comment